-- ADVERTISEMENT --
Nasa kamay ng legal team ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magiging desisyon kung dadalo siya sa deliberasyon ng House Committee on Justice bilang respondent sa mga reklamong impeachment na inihain laban sa kanya.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kung sakaling makatanggap ng pormal na imbitasyon ang Pangulo at ito ay pasok sa mga itinakdang pamantayan, ang magiging tugon o antas ng kanyang pakikilahok ay pagbabatayan ng payo ng kanyang mga abogado.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Castro na hihintayin muna ng Malacañang ang magiging aksyon ng House of Representatives kaugnay ng planong pag-iimbita kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.













