-- ADVERTISEMENT --
Minaliit lamang ng Iran ang banta ni US President Donald Trump na dapat nilang buksan ang Strait of Hormuz sa loob ng 48 oras.
Ayon kay Iranian President Masoud Pezeshkian, ang mga pagbabanta ay lalong nagpapalakas at nagbubuklod ng mga mamamayan ng Iran.
Dagdag pa niya, ang ilusyon ng mga kalaban na burahin ang Iran sa mapa ay isang desperadong hakbang.
Nilinaw niya na ang Strait of Hormuz ay bukas para sa lahat, maliban na lamang sa mga lumalabag sa kanilang bansa.
Giit ni Pezeshkian, handa silang harapin ang mga banta at makipaglaban kung kinakailangan.
Magugunitang banta ni Trump na sasabog ang mga oil at gas facilities ng Iran kung hindi magbabalik-loob ang bansa.













