-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Ipinasiguro ng PNP 12 na magsasagawa sila ng imbestigasyon kaugnay sa pag-joyride ng ilang mataas na opisyal sa Region 12 kasama si South Cotabato 2nd district representative at deputy speaker for Mindanao Ferdinad Hernandez.

Ayon kay Police Lt. Col. Lino Capellan, tagapagsalita ng PNP 12, wala koordinasyon sa kanila ang sinasabing joy ride.

Dapat umano na walang exemption sa mga dumadaan sa quarantine checkpoints kahit pa mga opisyal.

Samantala, nanindigan naman ang Higway Patrol Group na wala din umanong koordinasyon sa kanila ang ginawang pag-joy ride ng grupo ng mga riders sa ibat-ibang lugar sa Soccsksargen.