-- ADVERTISEMENT --

Nakaramdam ng matinding pananakit sa leeg si KayLynne Felthager matapos i-crack ang kanyang leeg habang nagmamaneho pauwi, isang nakasanayan niyang gawin upang maibsan ang tensyon.

Makalipas ang ilang araw, nakaranas siya ng pansamantalang pagkawala ng paningin, pamamanhid sa isang bahagi ng katawan, at hirap sa pagsasalita.

Agad siyang dinala ng kanyang asawa sa ospital kung saan kinumpirma ng mga doktor na siya ay nakaranas ng stroke na sanhi ng artery dissection dulot ng paggalaw ng kanyang leeg.

Nagresulta ito sa pamumuo ng dugo na umabot sa kanyang utak.

Mabuti na lamang at agad na natunaw ang namuong dugo kaya hindi na kinailangan ang operasyon.

Sa kasalukuyan, nasa maayos nang kalagayan si Felthager.