-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ni retired boxing champion Manny Pacquiao na makakaharap niya sa isang exhibition fight si dating junior welterweight world champion Ruslan Provodnikov.

Ayon sa detalye, gaganapin ang laban sa Las Vegas sa darating na Abril 18. Ito na ang pangalawang pagkakataon ni Pacquiao na muling lumaban mula nang siya’y mag-retire.

Huling lumaban ang 47-anyos na boxer noong Hulyo ng nakaraang taon laban kay WBC welterweight champion Mario Barrios, na nagtapos sa majority draw. Sinabi ni Pacquiao na tuwing lumalaban siya, dala niya ang watawat ng Pilipinas bilang pag-alala sa suporta ng mga Pinoy mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa kasalukuyan, may rekord si Pacquiao na 62 panalo, walong talo, at tatlong draws sa kabuuang 73 laban. Samantala, ang 42-anyos na si Provodnikov ay may rekord na 25 panalo, limang talo, at 18 knockouts.