-- ADVERTISEMENT --

Hindi ligtas daanan sa ngayon ang Paco–Roxas–Arakan Valley Road sa bahagi ng Barangay Salasang, Arakan, Cotabato matapos mawasak ang kalsada dahil sa isang malaking landslide.

Ayon sa DPWH Cotabato 2nd District Engineering Office, nagsagawa na sila, kasama ang mga geologist mula sa Mines and Geosciences Bureau, ng paunang scoping at assessment upang matukoy ang mga kinakailangang hakbang para sa road restoration at para matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.

Habang hindi pa naiaayos ang apektadong bahagi, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternate routes, kabilang ang:

• Poblacion, Arakan – Barangay Anapolon – Barangay Napalico – Davao–Bukidnon Highway
• Jct. Sitio Napanlahan – Barangay Meocan – Barangay Dallag – Lumondao, Marilog District — inirerekomenda para sa mga heavy vehicle

Patuloy na pinaaalalahanan ang mga biyahero na mag-ingat at sundin ang mga itinakdang ruta habang nagpapatuloy ang assessment at clearing operations sa lugar.