-- ADVERTISEMENT --

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa pagkakasamsam ng tinatayang P11.5 milyon halaga ng smuggled na sigarilyo sa isinagawang operasyon sa Barangay Kraan, Palimbang, Sultan Kudarat.

Ayon kay Police Brigadier General Arnold P. Ardiente, direktor ng Police Regional Office-12, nagsimula ang operasyon matapos silang makatanggap ng impormasyon mula sa mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF).
Sa pagsalakay ng mga pulis sa lugar, natuklasan nila ang malalaking kahon na naglalaman ng mga sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P7.8 milyon, na sinasabing mula pa sa Indonesia.

Ang mga nakumpiskang sigarilyo na nasa mga selyadong kahon ay itinurn-over sa Bureau of Customs para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, nananawagan ang mga awtoridad sa publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa kanilang kampanya laban sa smuggling upang maprotektahan ang ekonomiya at kalusugan ng bawat mamamayan.