-- ADVERTISEMENT --

Itinanggi ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kumakalat na balita sa social media na nagbibigay sila ng P150,000 sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nais umuwi sa bansa matapos maipit sa kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Ayon sa OWWA, walang katotohanan ang nasabing impormasyon at ikinalungkot nila ang paggamit ng ilan ng Artificial Intelligence (AI) upang magmukhang totoo ang balita.

Nilinaw ng OWWA na ang kanilang financial assistance ay para lamang sa mga OFW na may malubhang pangangailangan. Anila, may mga livelihood programs din sila para sa mga OFWs na nais magsimula ng bagong buhay sa Pilipinas, pati na rin ang mga pagsasanay, scholarships, at mga upskilling programs na makakatulong sa kanilang paghahanap ng trabaho sa hinaharap.