-- ADVERTISEMENT --

Humihiling ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng karagdagang ₱575 milyon para sa emergency repatriation fund nito sa 2027, kasunod ng inaasahang pagdami ng mga OFW na mangangailangan ng agarang pagpapauwi mula sa mga bansang may kaguluhan.

Ayon kay OWWA Administrator Atty. PY Caunan, hindi sapat ang ₱900 milyong nakalaan sa panukalang 2027 national budget, lalo’t mas mababa ito sa ₱1.2 bilyong taunang pondo na natanggap ng ahensya sa nakalipas na tatlong taon.

Aniya, patuloy ang pangangailangan sa repatriation dahil sa mga krisis sa Middle East at iba pang rehiyon na may malaking bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho.

Inamin din ni Caunan na nauubos na ang regular repatriation budget ng OWWA dahil sa tuloy-tuloy na pagpapauwi sa mga OFW na naapektuhan ng kaguluhan.

Inihain ng ahensya ang dagdag-puhunan habang dinidinig ng House of Representatives ang panukalang 2027 budget ng Department of Migrant Workers, upang matiyak na may sapat na pondo para sa agarang pagresponde at pagpapauwi sa mga OFW na nasa peligro.