-- ADVERTISEMENT --

Inihayag ni newly installed Ombudsman at dating Kalihim ng Department of Justice na si Jesus Crispin “Boying” Remulla na wala siyang kinatatakutan kung sakaling may mga isyu o kasong kakaharapin ang kanyang mga kaanak o kaalyado sa politika.

Ito ang kanyang naging tugon sa tanong kung ano ang kanyang gagawin sakaling masangkot sa katiwalian o paglabag sa batas ang mga taong malapit sa kanya.

Ayon kay Ombudsman Remulla, hindi niya tatakpan o itatago ang anumang problema, at tiniyak niyang mananatili siyang patas at panig sa hustisya.

Aniya, “Ang aking mga anak ay pinalaki naming mag-asawa na may tamang asal. Alam nila na kapag nagtatrabaho ang kanilang ama, ito ay ginagawa nang buong puso at may katapatan.”

Dagdag pa ni Remulla, “Kung may problema, sabihin lang, at ating haharapin ito nang buong tapang.”

Si Remulla ang ika-pitong Ombudsman ng Pilipinas matapos siyang italaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.