Patay ang isang miyembro ng New People’s Army sa engkwentro laban sa tropa ng Philippine Army sa San Jose, Occidental Mindoro kamakailan.
Ayon sa ulat ng 4th Infantry Battalion ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division, nagsagawa ng operasyon ang mga sundalo matapos makatanggap ng impormasyon mula sa mga residente ukol sa presensya ng mga armadong rebelde.
Nagkaroon ng maikling bakbakan na nagresulta sa pagkamatay ng isang NPA at walang nasugatan sa panig ng pamahalaan.
Narekober mula sa lugar ang isang M16 rifle, apat na magazine, mga bala, subersibong dokumento, at isang analog phone.
Patuloy naman ang pagtugis sa mga tumakas na kasamahan nito.
Giit ni Major General Ramon Zagala, patuloy ang kanilang misyon na protektahan ang mga sibilyan at wakasan ang karahasan sa Mindoro at buong Southern Tagalog.