aaresto ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya ang isang mataas na lider ng New People’s Army (NPA) na kabilang sa Top 4 Most Wanted Persons sa regional level sa isinagawang joint law enforcement operation sa Barangay Limulan, Kalamansig noong Hulyo 20, 2025.
Kinilala ang suspek na si Domingo Cranzo, na mas kilala sa alyas na “Goliat” o “Pedro”, Vice Team Leader ng Squad 2, Platoon 2 ng SRC Daguma. Ang operasyon ay isinagawa ng mga tropa ng 37th Infantry “Conqueror” Battalion sa pamumuno ni LTC Christopherson M. Capuyan INF (GSC) PA, katuwang ang 1st Scout Ranger Battalion at ang 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni PCPT Aivan Ga-as Gabucayan.
Ang matagumpay na pag-aresto ay resulta ng matinding monitoring, koordinasyon, at operasyon ng mga awtoridad laban sa mga natitirang elemento ng NPA sa rehiyon.
Si Cranzo ay itinuturong sangkot sa ilang insidente ng terorismo gaya ng pananambang, pananakot sa mga sibilyan, at pagrerecruit ng kabataan para sa armadong pakikibaka. Lumalabas rin na kabilang siya sa grupo ng mga rebelde na nakasagupa ng militar sa isang engkwentro noong Hulyo 19 sa Datu Ito Andong, Kalamansig, na ikinasawi ng tatlong NPA at isang sundalo.
Nahaharap si Cranzo sa kasong paglabag sa Republic Act 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020 (Criminal Case No. 24-29791), at sa kasong Murder sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code (Criminal Case No. 24-8189-SNA). Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad para sa tamang disposisyon.
Ayon sa pamunuan ng militar, ang pagkakadakip kay Cranzo ay patunay ng determinasyon ng pamahalaan na tuldukan ang terorismo at panatilihin ang kaayusan sa mga komunidad.