-- ADVERTISEMENT --
Tiniyak ng National Food Authority na may sapat na suplay ng bigas sa bansa, lalo ngayong may krisis sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Larry Lacson, kasalukuyang may 8 milyon na bags ng bigas na kayang tumagal ng hanggang 10.3 araw, habang may karagdagang 2 milyon bags na nakahanda na ipamahagi sa mga lugar na nangangailangan.
Giit ni Lacson, ang mga rehiyon na may malaking suplay ay handang tumulong sa pagdagdag ng stocks sa ibang lugar upang matiyak na walang kakulangan sa pangunahing pagkain.
Dagdag pa rito, upang mapanatili ang suplay tuwing may kalamidad o emergency, hindi inilalabas ng NFA ang lahat ng stocks sa ilalim ng P20 kada kilo na programa, upang masiguro ang pangmatagalang seguridad sa pagkain ng bansa.












