-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang pagkumpuni ng nasirang daan sa Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato, na tinamaan ng landslide, ayon kay Senior Deputy Speaker at South Cotabato Second District Representative Ferdinand “Dinand” Hernandez.

Inanunsyo ni Hernandez na layunin nilang matapos ang pagkumpuni ng kalsada ngayong taon upang magamit na ito muli ng mga residente.

Pinuri rin ni Hernandez ang patuloy na pagsisikap ni Governor Reynaldo S. Tamayo sa pagtutok sa problema upang makahanap ng solusyon.

Sinabi ni Hernandez na kinakailangan nang sementadong kalsada, ngunit ito ay nakadepende pa sa negosasyon sa mga miyembro ng Indigenous Peoples (IPs) upang makapagsimula ng konstruksyon sa lugar.

Nagbigay din ng katiyakan si Hernandez sa publiko, partikular sa mga residente ng Lake Sebu, na magiging maayos ang nasirang daan at magagamit ito sa lalong madaling panahon.