-- ADVERTISEMENT --

Isinumite ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa Senado ang isang position paper na naglalaman ng mga panukalang reporma sa party-list system.

Kabilang sa kanilang mga rekomendasyon ang pagbabawal sa government contractors bilang nominees, pagpapatupad ng anti-dynasty measures hanggang ika-apat na antas, at pagbabawal sa paggamit ng pangalan ng celebrities at mga programang pang-ayuda ng pamahalaan tulad ng “ayuda” at “TUPAD.”

Iminungkahi rin ng grupo ang pagtanggal ng three-seat cap at pagpapalit nito ng mas makatarungang proportional seat allocation formula.

Binigyang-diin din nila ang kahalagahan ng constitutional soundness ng mga probisyon upang maiwasan ang agarang pagkuwestiyon sa Korte Suprema, gayundin ang pag-alis ng mga probisyong maaaring magamit sa red-tagging nang walang due process.

Suportado rin ng NAMFREL ang pagpasa ng Anti-Political Dynasty Act at mas malawak na political finance reforms upang maiwasan ang paggamit ng party-list system bilang extension ng kapangyarihan ng mga political families.

Ipinahayag ng grupo ang kahandaan nitong magbigay ng teknikal na tulong habang nagpapatuloy ang deliberasyon sa Senado.