-- ADVERTISEMENT --
Nagkita at nag-usap sina US President Donald Trump at British Prime Minister Keir Starmer upang talakayin ang kahalagahan ng muling pagbubukas ng Strait of Hormuz.
Ayon sa ulat ng Downing Street, kabilang sa kanilang pag-uusap ang ilang isyu kaugnay ng patuloy na giyera sa Gitnang Silangan.
Binigyang-diin ni Trump ang pangangailangan na magpadala ang ilang bansa—China, Japan, France, South Korea, at Britain—ng warships upang suportahan ang US sa seguridad ng strait.













