-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Arestado ang Municipal Most Wanted Person Municipal Level sa isinagawang operasyon ng pinagsamang operatiba ng Lake Sebu Municipal Police Station sa Purok Sitio Lamsual , Barangay Tasiman, Lake Sebu, South Cotabato.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Romy D Castañares, Hepe ng Lake Sebu Municipal Police Station ang akusado na si alyas “Bening” 52 anyos, may asawa at residente ng Sitio Lambadak , Barangay Lamfugon, Lake Sebu, South Cotabato.

Ayon kay PLTCOL Castañares, bandang 11:30 ng umaga ng maaresto ang akusado ng pinagsanib na mga operatiba ng Lake Sebu MPS kasama ang SCPIU, RSOG 12, STTC-RID 12 at 2nd Coy SCPMFC.

Inaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

Ang ating kapulisan ay patuloy sa pagpapaigting ng kampanya laban sa mga iba’t ibang Krimen sa bansa upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan para sa isang Bagong Pilipinas.