Nakaplano na palawigin ng Philippine Navy at Royal Australian Navy ang kanilang pinagsamang pagsasanay bilang bahagi ng mas malawak na kooperasyon para sa seguridad sa rehiyon.
Ito ang pangunahing tinalakay sa pulong nina Philippine Fleet Commander Rear Admiral Joe Anthony Orbe at Royal Australian Navy Vice Admiral Mark David Hammond sa isang bilateral engagement kamakailan.
Ayon sa ulat ng Philippine Navy, layunin ng pagpupulong na pagplanuhan ang mga susunod na naval exercises at iba pang aktibidad na magpapalakas sa kakayahan ng dalawang puwersa na tumugon sa mga banta sa karagatan.
Nagpasalamat din ang pamunuan ng Philippine Fleet sa Australian Defence Force Cooperation Program sa malaking tulong nito sa propesyonal na pag-unlad ng mga marinong Pilipino.













