-- ADVERTISEMENT --

Nagdismaya ang mga survivor ni Jeffrey Epstein matapos ilabas ng U.S. government ang 3 milyong dokumento kaugnay sa kaso ng yumaong financier, dahil umano’y may proteksyon pa rin ang ilang suspek at may impormasyon pa ring maaaring makakilala sa mga biktima.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), walang impluwensiya ang White House sa paglabas ng dokumento at itinanggi rin na may tinanggal na data upang protektahan si Pangulo Donald Trump.

Lumabas sa dokumento ang mga pangalan nina Trump, Elon Musk, Bill Gates, at Prince Andrew, ngunit wala sa kanila ang pormal na inakusahan.

Ni-redact ang lahat ng larawan ng biktima, maliban kay Ghislaine Maxwell, na nahatulan sa kasong human trafficking.

Samantala, nanawagan ang 19 survivor ng transparency at Congressional hearing.

Si Epstein ay namatay sa kulungan noong 2019, na idineklarang suicide habang naghihintay ng paglilitis sa kasong sex trafficking ng mga menor de edad.