-- ADVERTISEMENT --

Emosyonal ang mga Pilipinong tripulante matapos silang masagip ng China Coast Guard kasunod ng paglubog ng kanilang cargo vessel malapit sa Scarborough Shoal.

Nag‑anunsyo ang China Coast Guard na 17 mula sa 21 Pilipinong tripulante ng Singapore‑flagged cargo vessel na M/V Devon Bay ang nasagip matapos lumubog ang barko malapit sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea, habang ang 4 pa ay hinihahanap pa, at 2 crew members ang kumpirmadong patay.

Ayon sa ulat, ang Devon Bay ay naglayag mula sa Gutalac, Zamboanga del Sur patungong Yangjiang, China nang tumaob ito sa karagatang tinaguriang Panatag Shoal o Scarborough Shoal, mga 55 nautical miles hilaga‑kanluran ng nasabing shoal.

Sa mga nasagip na tripulante, 14 ang nasa stable na kondisyon, habang isang survivor ay isinasailalim sa emergency medical treatment.

Patuloy ang search and rescue operations para sa apat na nawawala.

Ang mga rescue efforts ay pinangunahan ng China Coast Guard, kasabay ng paghahanap ng mga barko at eroplano ng Philippine Coast Guard (PCG), kabilang ang BRP Teresa Magbanua, BRP Cape San Agustin, at PCG aircraft.

Ang insidenteng ito ay naganap sa isa sa mga pinakamainit na pinag-aagawang bahagi ng Karagatang Timog Tsina, kung saan parehong inaangkin ng Pilipinas at China ang soberanya, na naging sanhi ng tensyon at mga maritime standoff sa mga nakaraang taon.