Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga napiling miyembro ng independent commission na magsasagawa ng imbestigasyon sa kontrobersyal na flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kabilang sa mga itinalaga sina dating Supreme Court Senior Associate Justices Antonio Carpio at Estela Perlas-Bernabe, gayundin ang isang forensic accountant mula sa SyCip Gorres Velayo & Company o SGV.
Ayon sa Pangulo, pinili ang mga personalidad na ito dahil sa kanilang integridad at kakayahan, at upang matiyak na walang politiko ang makikialam sa imbestigasyon. Isa rin sa mga pangunahing dahilan ng pagbubuo ng independent commission ay upang masigurong mapapanagot ang mga personalidad na sangkot umano sa anomalya sa flood control projects.
Matatandaang una nang binigyang-diin ng Pangulo na ang bagong likhang komisyon ang mangunguna sa pagbusisi sa mga umano’y anomalya sa multi-bilyong pisong flood control projects ng DPWH.