-- ADVERTISEMENT --

Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga mambabatas na umasa sa matibay na datos at masusing pagsusuri sa pagbuo ng mga patakaran sa sahod, upang matiyak ang makatarungang kita ng mga manggagawa at panatilihin ang katatagan ng ekonomiya.

Ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), nagsisilbi lamang ito bilang advisory body sa ilalim ng Wage Rationalization Act at hindi gumagawa ng batas. Ang kanilang mga ulat, kalkulasyon, at policy simulations ay nagsisilbing gabay para sa Kongreso.

Giit ng DOLE, ang mga rekomendasyon ay naglalayong balansehin ang interes ng mga employer at manggagawa, sabay na sinusuportahan ang economic stability, at iginagalang ang awtonomiya ng Kongreso sa paggawa ng pinal na desisyon.