-- ADVERTISEMENT --

Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga mambabatas na umasa sa matibay na datos at masusing pagsusuri sa pagbuo ng mga polisiya sa sahod, upang matiyak ang patas na kita ng mga manggagawa at ang katatagan ng ekonomiya.

Ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), nagsisilbi lamang itong advisory body sa ilalim ng Wage Rationalization Act at hindi gumagawa ng batas. Nagbibigay ang NWPC ng mga ulat, kalkulasyon, at policy simulations bilang gabay sa Kongreso sa pagdedesisyon.

Giit ng DOLE, ang mga rekomendasyon ay layong balansehin ang interes ng mga employer at manggagawa, habang sinusuportahan ang economic stability. Binibigyang-diin din ng DOLE ang awtonomiya ng Kongreso sa paggawa ng pinal na desisyon ukol sa sahod.