-- ADVERTISEMENT --

Nakumpleto na ng Philippine Air Force (PAF) ang retrieval operation sa labi ng anim na (6) na aircrew ng Super Huey helicopter na bumagsak sa Barangay Sabud, Loreto, Agusan del Sur noong Nobyembre 4.


Ayon sa PAF, nakipagtulungan ang mga tauhan ng Philippine Army at mga lokal na awtoridad upang matagumpay na maibaba mula sa bulubunduking bahagi ang mga labi ng mga nasawing crew.

Ang naturang helicopter ay nagsasagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) mission kaugnay ng epekto ng Bagyong Tino nang mangyari ang insidente.

Patuloy naman ang imbestigasyon upang alamin ang sanhi ng pagbagsak ng naturang aircraft.

Nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng Philippine Air Force sa mga naiwang pamilya ng mga nasawing miyembro ng crew, na tinawag nilang mga bayaning nag-alay ng buhay para sa tungkulin.