-- ADVERTISEMENT --

Napapatuloy angn imbestigasyon ng Makar Police Station kaugnay sa insidente ng pagsabog ng granada sa Barangay Makar, General Santos City na nagresulta sa pagkamatay ng isang menor de edad na babae.

Ayon sa ulat ng pulisya, posibleng napulot ng bata ang granada habang nangangalakal ng basura. Pinaniniwalaang pinaglaruan ito ng biktima hanggang sa biglang sumabog, dahilan ng kanyang agarang pagkasawi.

Dahil sa insidente, muling nagpaalala ang Makar Police sa mga magulang na huwag pabayaan ang kanilang mga anak na magpunta sa mga lugar na mapanganib, lalo na kung menor de edad pa ang mga ito.

Binigyang-diin din ng kapulisan ang kahalagahan ng mahigpit na pagbabantay upang maiwasan ang kahalintulad na trahedya.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad kung anong klase ng granada ang sumabog sa nasabing lugar.