KORONADAL CITY – Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang isang mekaniko at kasama nito mataos na maaresto sa inilunsad na buy-bust operation sa Purok Bumanaag, Barangay Zone 3, Koronadal City bandang alas-11:00 ng gabi, August 4.
Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na “Arwin,” 58 anyos, isang mekaniko at residente ng Barangay Zone 4 at Alyas Hover, 51 anyos may asawa at residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa mga otoridad nakuha sa mga suspek angn dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 15 gramo at nagkakahalaga ng humigit-kumulang P102,000, gayundin ang P500 marked money.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek habang pinaghahanap pa rin ang isa pa nilang kasamahan na si alyas “Tisoy Togonon” matapos makatakas sa operasyon.
Patuloy naman ang panawagan ng otoridad na iwasan na ang pagtutulak o paggamit ng illegal na droga dahil magpapatuloy din ang monitoring at panghuhuli ng mga ito.