-- ADVERTISEMENT --

Shariff Aguak, Maguindanao del Sur – Ipinahayag ni Shariff Aguak Mayor Akmad Mitra Ampatuan Sr. ang kanyang kahandaang tumulong sa mga magulang at pamilya ng mga nasawing suspek matapos ang pinakahuling ambush laban sa kanya.

Ayon sa alkalde, itinuturing niyang biktima lamang ng sitwasyon ang mga nasawi.

Kasabay nito, kinumpirma rin ni Mayor Ampatuan na ika-apat na beses na siyang naambush, na umano’y naganap noong 2010, 2013, 2019, at pinakahuli noong Enero 25, 2026.

Aniya, wala siyang ideya kung sino ang nasa likod ng mga pag-atake dahil wala naman umano siyang personal na kaaway.

Ibinahagi rin ng alkalde na hindi niya inasahan ang paggamit ng RPG-7, dahil hindi ito karaniwang armas na ginagamit sa Pilipinas.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo at kung sino ang nag-utos sa ambush laban sa alkalde ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.