Matagumpay na nasamsam ng mga awtoridad ang nasa mahigit kalahating milyon na halaga ng ilegal na droga sa ikinasang operasyon sa Purok Banawag, Brgy. Villamor, Esperanza, Sultan Kudarat, nito lamang Agosto 4, 2024.
Sa ulat ng Esperanza Municipal Police Station, nagsagawa ang kanilang tanggapan ng buy-bust operation katulong ang iba pang law enforcement unit na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang High Value Individual na kinilalang si alyas “Saddam”, 34-anyos, may asawa, at residente ng Mother Labu Labu 1, Shariff Aguak , Maguindanao Del Sur.
Nakumpiska sa suspetsyado ang tatlong sachet ng pinaniniwalaang shabu na may kabuuang timbang na 80 grams, buy-bust money at ibang non-drug items.
Sa kabuuan, tinatayang umaabot sa Php544,000 ang halaga ng naturang mga nakumpiskang ilegal na droga.
Nananatili na parin ang suspek sa kustodiya ng Esperanza Municipal Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa kabila nito, patuloy parin ang PNP sa pagpapaigting sa paghuli ng mga taong nagpapalaganap ng ipinagbabawal na gamot upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng ating komunidad.