Ipinabatid ng Malacañang na kasalukuyan pa lamang nakatuon ang gobyerno sa pagpapatupad ng mga programang pang-ekonomiya at hindi pa napag-uusapan ang pag-aamyenda ng 1987 Constitution.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, wala pang tinalakay na charter change sa pinakahuling pagpupulong ni President Ferdinand Marcos Jr. kasama ang kanyang economic team.
Gayunpaman, sinabi ni Castro na maaari ring pag-usapan ang charter change sa hinaharap kung umuusad na ang mga mambabatas sa isyung ito.
Ang pahayag ay kasunod ng panukala ni Senate President Vicente Sotto III na baguhin ang 1987 Constitution, na ayon sa kanya ay tanging solusyon sa mga isyu sa mga proseso ng impeachment.
Naalala rin na inuptold ng Korte Suprema ang desisyon na nagsasabing walang hurisdiksyon ang Senado sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte, na siyang dahilan ng isinulong na pagbabago ng ilang mambabatas.













