Mahigit 450 pasyente ng leptospirosis ang kasalukuyang ginagamot sa iba’t ibang ospital ng Department of Health (DOH) sa National Capital Region kasunod ng mga pagbaha sa Metro Manila nitong mga nakalipas na araw.
Batay sa quick count ng DOH Health Emergency Management Bureau, umabot sa 856 ang naitalang kaso ng leptospirosis sa buong bansa mula Enero 4 hanggang Agosto 22, 2026.
Bagama’t 66 porsyentong mas mababa ito kumpara sa 2,546 kaso sa kaparehong panahon noong 2025, nagbabala ang DOH na maaari pang tumaas ang bilang dahil sa incubation period ng sakit na maaaring umabot sa 15 araw.
Tiniyak naman ng DOH na nakaalerto ang mga pampublikong ospital at patuloy ang monitoring upang maayos na maipamahagi ang mga pasyente at maiwasan ang overcrowding.
Patuloy din umanong sinisiguro ng ahensya ang sapat na suplay ng gamot at iba pang kinakailangang medical resources para sa mga pasyenteng apektado ng leptospirosis.













