-- ADVERTISEMENT --

Mahigit 2,500 katao ang nasawi sa Iran sa loob ng 17 araw ng malawakang protesta, ayon sa mga aktibista, habang ang mga kilos-protesta na nagsimula dahil sa problema sa ekonomiya ay naging hayagang laban sa pamahalaan.

Ayon sa Human Rights Activists News Agency (HRANA), 2,571 na ang kumpirmadong namatay, mahigit 1,100 ang malubhang nasugatan at hindi bababa sa 18,000 ang naaresto.

Wala pang inilalabas na opisyal na bilang ng mga nasawi ang gobyerno ng Iran.

Nagpahayag ng suporta si U.S. President Donald Trump sa mga nagpoprotesta, hinimok ang mga Amerikano na lumikas mula sa Iran at nagpahiwatig ng posibleng aksyon ng Estados Unidos, kasabay ng pag-anunsyo ng mga bagong parusang pang-ekonomiya.

Samantala, patuloy ang mahigpit na crackdown ng pamahalaan ng Iran, kabilang ang mass arrests, internet blackout at banta ng agarang paglilitis at pagbitay, habang nagbabala ang Tehran laban sa anumang panlabas na interbensyon.