-- ADVERTISEMENT --

Mahigit 200 katao ang namatay matapos matipak ang isang minahan ng coltan sa Rubaya, North Kivu, sa silangang bahagi ng Democratic Republic of Congo.

Ayon sa rebel authorities, ang insidente ay naganap dulot ng matinding pag-ulan sa lugar.

Kasama sa mga nasawi ang mga kababaihan, kabataan, at mga artisanal miners na nagtatrabaho sa minahan.

Ayon sa isang dating supervisor ng minahan, may kakulangan sa maintenance ng minahan at malambot ang lupa, kaya’t naging sanhi ito ng mabilis na pagguho at naging mahirap ang mga operasyon para sa rescue teams.

Ang M23 rebels ang may kontrol sa Rubaya, na siyang isang lugar na may malaking bahagi ng global supply ng coltan, isang mineral na ginagamit sa paggawa ng mga elektronikong aparato.

Tinatayang 15% ng global supply ng coltan ay nanggagaling sa Rubaya.

Ang insidente ay nagdulot ng malaking pag-aalala sa international community.

Ayon sa United Nations, ang M23 ay inakusahan ng pagpataw ng buwis sa pagmimina ng coltan, na nagdudulot ng pagyaman ng grupo sa pamamagitan ng iligal na buwis.