-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan ng agarang aksyon ang magulang ng estudyanteng biktima ng panununtok sa Tacurong City.

Ayon kay Verlyn Leal, ina ng 14-anyos na biktima, naganap ang insidente habang nakaupo lamang ang kanyang anak sa harap ng isang barangay hall.

Aniya, bigla na lamang sinuntok ng isa pang estudyante ang kanyang anak, dahilan upang ito ay matumba at pansamantalang mahilo.

Ipinahayag ni Leal ang matinding sakit at pangamba sa kalagayan ng kanyang anak dahil sa nangyari.

Agad na dinala ni Leal ang kanyang anak sa barangay upang magpablotter at sumailalim sa medikal na pagsusuri.

Sa kasalukuyan, patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang identity ng mga estudyanteng sangkot sa panununtok.