-- ADVERTISEMENT --

Arestado ang isang magsasaka sa isinagawang Search warrant operation ng mga kapulisan sa Purok 6, Brgy. Kitacubong, Alamada, Cotabato, kaninang madaling araw, Oktubre 10, 2024.

Naging matagumpay ang nasabing operasyon sa pinagsamang pwersa ng mga tauhan ng Alamada Municipal Police Station at PDEA 12.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakahuli sa isang alyas “Totot”, 57-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Nakumpiska mula sa suspek ang 21 pakete ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, na tumitimbang ng 3 gramo na nagkakahalaga ng Php20,400.00 at iba pang non- drug items.