-- ADVERTISEMENT --

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Carmen Municipal Police Station (MPS) kaugnay sa insidente ng pamamaril na naganap kaninang umaga sa Barangay General Luna, Carmen, Cotabato.

Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa pulisya, mag-ama umano ang mga biktima, subalit wala pang opisyal na identity ang mga ito.

Sa nakalap na datos ng Bombo Radyo, ang mga biktima ay residente ng Brgy. Pagangan, Aleosan, Cotabato.

Agad naman na dinala sa pagamutan ang mga biktima para sa agarang medikasyon.

Napag-alaman na magkanka-angkas sa isang motorsiklo ang mag-aman kasama ang isa pang indibidwal na patuloy na ginagamot sa ngayon.

Inaalam na rin ng mga otoridad ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa mga biktima.

Samantala, tinutukoy pa ngayon kung anong baril at slugs ang natipon sa nasabing lugar.