-- ADVERTISEMENT --
KORONADAL CITY-Nakatanggap ng parangal at cash assistance ang limang pulis na sugatan matapos na pasabugan ang sinasakyang patrol car noong bisperas ng Bagong Taon sa Shariff Aguak, Maguindanao.
Ito ang kinumpirma ni PRO- ARMM Regional Director Chief Supt. Graciano Mijares kung saan personal umano itong pumunta sa Maguindanao Provincial Hospital upang ibigay ang tulong pinansyal sa limang pulis at upang ipaabot ang pagkilala sa kanilang kagitingan.
Kung maaalal, ang mga pulis na sugatan sa nangyaring roadside bombing ay sina PO1 Archie Ansari Amelista,PO3 Jalison Abdullah, , PO1 Ricardo Almonia, PO1 Alimodin Nuphay at PO1 Zainodin Abdullah samantala dead on the spot si SPO4 Max Kaibat.