-- ADVERTISEMENT --

Arestado ang isang tinaguriang street level individual matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng PNP sa Purok Dalhia, Sitio Matlong, Brgy. Lamba, Banga, South Cotabato, nito lamang ika-18 ng Pebrero nitong taon.

Kinilala ang hinuling suspek na si alyas “Joey”, 40-anyos na residente ng nasabing Barangay.

Positibong nabili ng nagpanggap na poseur buyer ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu mula sa suspek.

Bukod dito, nakumpiska pa mula sa kay Boyet ang lima na piraso ng plastic sachet na naglalaman din ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at iba pang non-drug item.

Ang mga nakumpiskang iligal na droga ay may kabuuang bigat na 10 gramo na may tinatayang halaga na Php68,000.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Banga Municipal Police Station ang naaresto at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.