-- ADVERTISEMENT --

Inaasahang magsasama-sama ang mga tagasuporta ni Filipina tennis sensation Alexandra “Alex” Eala sa PhilSports Arena sa Pasig City para sa libreng public viewing ng kaniyang Round of 16 match sa Wimbledon ngayong Lunes, Hulyo 6.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magbubukas ang venue alas-5:30 ng hapon para sa mga nais manood nang live sa malaking screen. Nakatakdang magsimula ang laban ni Eala laban kay Jasmine Paolini alas-8:30 ng gabi.

Libre ang pagpasok sa venue at ipatutupad ang first come, first served na polisiya, kaya hinihikayat ang publiko na dumating nang maaga upang matiyak ang kanilang upuan.

Sinabi ng MMDA na ang public viewing ay bahagi ng inisyatiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang pag-isahin ang mga Pilipino sa pagsuporta kay Eala habang ipinagpapatuloy nito ang makasaysayang kampanya sa Wimbledon.