-- ADVERTISEMENT --

LAKE SEBU, SOUTH COTABATO – Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng Local Government Unit (LGU) matapos nitong inararo at sinira ang isang bahay sa Purok Pag-Asa, Barangay Poblacion, Lake Sebu, South Cotabato, madaling araw ng December 17, 2025.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Lake Sebu PNP, gabi ng December 16, nag-overshoot ang silver pickup na may red plate number 1301-1673271 na pagmamay-ari ng LGU Lake Sebu, at diretsong bumangga sa bahay ng isang pamilya.

Sa halip na tumulong matapos mawasak ang bahay na inararo nito ay mabilis na umalis ang sasakyan sa lugar.

Kinumpirma ng pulisya na ang driver, isang empleyado ng munisipyo, na kalaunan ay boluntaryong sumuko sa kanilang tanggapan.

Patuloy ang imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang kabuuang pangyayari at posibleng pananagutan ng sangkot.

Nakatakda rin ang magkabilang panig na magharap at mag-usap hinggil sa insidente.