-- ADVERTISEMENT --
Magbibigay ng reward money ang Local Government Unit (LGU) Tampakan sa sinumang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga sangkot sa illegal hydraulic mining o “banlas” sa bayan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang reward ay nakalaan sa mga sumusunod:
- ₱50,000 para sa imbolbadong Municipal Officials
- ₱30,000 para sa imbolbadong PNP, AFP, at iba pang uniformed personnel
- ₱25,000 para sa imbolbadong Barangay Officials
- ₱25,000 para sa imbolbadong Municipal Employees
Binigyang-diin ng LGU na mahaharap sa mabigat na parusa ang sinumang mapatunayang sangkot sa “banlas,” opisyal man o pribadong indibidwal.
Hinikayat ni Mayor Junjun Escobillo ang publiko na magsumbong ng anumang impormasyon. Maaaring makipag-ugnayan sa kanya sa 0906-363-2419 o sa Facebook Messenger accounts nina Leonard Escobillo at Junjun Escobillo.
Lahat umano ng impormasyon ay confidential.