-- ADVERTISEMENT --
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit Municipal Police Station kaugnay sa pamamaril sa isang lalaki na sakay ng single motorcycle sa bahagi ng Barangay Batulawan, Pikit, North Cotabato pasado alas-2 ng hapon nitong Biyernes, Agosto 15.
Batay sa inisyal na ulat, patungo sana sa sentro ng bayan ang biktima nang sundan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin na sakay din umano ng motorsiklo.
Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang insidente, habang agad namang isinugod ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan.
Patuloy namang tinutukoy ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at nagpapatuloy ang manhunt operation laban sa suspek.