-- ADVERTISEMENT --

Nakumpiskahan ng iligal na baril ang ang isang 52-anyos na lalaki matapos na ihain sa kanya ang isang search warrant sa mismo nitong tahanan sa Brgy Kadi, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat nito lamang umaga ng Disyembre 15, 2024.

Kinilala ang arestadong suspek na si alyas “Proceso”, 52-anyos, may-asawa, at residente ng nasabing lugar.

Sa ulat ng Senator Ninoy Aquino Municipal Police Station, dakong 5:15 ng umaga nang ihain ng kanilang hanay ang search warrant laban sa suspek na kung saan narekober sa loob ng pamamahay nito ang ‘di lisensiyadong baril na isang yunit ng homemade 12-gauge rifle na may kasamang 19 bala.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.