Patay ang isang lalaki matapos niyang tangkaing pasukin ang secured perimeter ng Mar-a-Lago residence ni dating US President Donald Trump sa Palm Beach, Florida.
Ayon sa US Secret Service, wala sa lugar ang dating Pangulo nang mangyari ang insidente, dahil siya ay nasa Washington, DC.
Batay sa imbestigasyon, kinompronta ng mga awtoridad ang lalaki sa Palm Beach County Sheriff’s Office, kung saan naglalaman ito ng shotgun at petrol canister. Pinababa ng mga otoridad ang mga dala ng lalaki, ngunit ang lat lamang ang kanyang ibinaba. Subalit, tinangka niyang barilin ang mga otoridad.
Upang maprotektahan ang kanilang sarili, agad nilang binaril ang suspek. Sa ngayon, patuloy na tinutukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa kanyang ginawa.













