-- ADVERTISEMENT --
Ibinahagi ng aktres na si Kris Aquino sa social media ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng patuloy na nagdarasal para sa kanyang paggaling.
Sa kanyang pinakabagong social media post, isinalaysay ni Aquino ang kanyang pananampalataya at karanasan matapos pansamantalang huminto ang kanyang paghinga habang sumasailalim sa isang PICC line procedure dahil sa problema sa kanyang baga.
Nagpasalamat siya sa mga doktor at medical staff na agad umaksyon at nagligtas ng kanyang buhay, at sinabi niyang ang Banal na Espiritu ang gumabay sa lahat ng kanilang ginawa.
Matagal nang sumasailalim sa gamutan si Aquino dahil sa ilang autoimmune diseases.
Matapos ang kanyang gamutan sa Estados Unidos, bumalik siya sa Pilipinas noong 2024.













