Sumalpok sa entrance signage ng Lake Sebu sa South Cotabato ang isang Toyota Wigo na may plakang NHS 7720 nitong hapon ng Martes, Hulyo 22,2025, matapos umanong mawalan ng kontrol ang driver habang binabaybay ang kalsada.
Batay sa inisyal na ulat, nawalan ng kontrol sa manibela ang nasabing sasakyan sa hindi pa matukoy na dahilan, kaya’t diretso itong bumangga sa konkretong istruktura ng welcome signage ng naturang bayan.
Agad namang rumesponde ang mga otoridad at mga residente sa lugar upang magbigay ng tulong sa mga sakay ng kotse. Isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima na nagtamo ng mga hindi malubhang sugat.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kinauukulan upang matukoy ang tunay na sanhi ng insidente, kabilang na kung may mechanical failure o human error na naganap.
Samantala, pansamantalang isinailalim sa clearing operation ang bahagi ng kalsada upang matiyak ang kaligtasan ng mga dumaraang motorista.