Patay ang dalawang instructor at isang estudyante sa isang vehicular accident sa Kahabaan ng Purok 3, Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato noong October 26, 2024.
Ayon kay Eugene Aceñas, Hipag Ni Glykiel Jade Bico, dinala na ang puntod ni Bico sa kanilang bahay kahapon lamang, October 29, 2024.
Giit naman ni Aceñas, na may pag-asa pa sanang mabuhay si Bico kung nasuri ng maayos ng mga otoridad ang lugar ng pinangyarihang ng aksidente ngunit huli na ng nalaman ng mga otoridad na may ikatlong biktima pa pala sa nasabing aksidente.
Sa unang imbestigasyon, huli na ng makita ang isang biktima na si Bico dahil tumilapon ito sa damuhan na may kalayuan sa pinangyarihan ng aksidente ngunit ng naipalawak ang imbestigasyon, nalaman na si Bico pala ang malapit sa pinangyarihan ng aksidente kung saan mayroon lamang itong 4 meters na kalayuan habang ang dalawang namatay ay may 37 meters na kalayuan.
Nananawagan naman si Aceñas ng aksyon ng gobyerno hindi lang dahil sa aksidenteng natamo ng kanyang kapatid kundi pati na rin sa sunod sunod na nangyayaring aksidente sa Tupi na malagyan ng ilaw o center island lalo na sa area ng pinangyarihan ng aksidente.
Sa ngayon, patuloy parin na nananatili sa kustodiya ng Tupi Municipal Police Station ang drayber ng Toyota Hilux Cargo para sa masuring imbestigasyon at disposisyon.