-- ADVERTISEMENT --

Napatay ng mga residente sa Prk. Tinefulan, Barangay Maligo, ang isang King Cobra o Banakon noong Enero 16, 2026, bandang alas-7 ng umaga.

Ayon sa Municipal Environmental and Natural Resources Enforcers at Bantay Gubat volunteers, dalawang residente ang pumatay sa ahas dahil natakot sa panganib, lalo na’t may naunang insidente sa kanilang komunidad na ikinamatay ng isang bata.

Tinatayang mahigit 10 talampakan ang haba ng ahas at may mga sugat sa ulo.

Agad namang rumesponde ang Wildlife Enforcement Officers upang i-verify ang insidente at kunin ang specimen.

Aniya ng ahensya, mahalaga ang tamang kaalaman at koordinasyon sa ganitong wildlife encounters upang mapanatiling ligtas ang komunidad at maprotektahan ang kalikasan.