-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na natukoy na ang eksaktong kinaroroonan ng M/V Trisha Kerstin 3, na natagpuan sa ilalim ng karagatan malapit sa Baluk-Baluk Island.

Ayon sa PCG, sa isinagawang pinagsamang operasyon ng Search and Rescue teams mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga boluntaryong mangingisda, isang bangkay ang natagpuan sa lugar ng insidente.

Dahil dito, umakyat na sa 43 ang kabuuang bilang ng mga nasawi, habang nananatili naman sa 316 ang bilang ng mga nakaligtas.

Matatandaang lumubog ang M/V Trisha Kerstin 3 sa karagatan ng Basilan noong madaling araw ng Enero 26, dahilan upang ipatigil ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang operasyon ng Aleson Shipping Lines, ang kumpanyang nagmamay-ari ng nasabing barko.