Trending ngayon sa social media ang tila mas bukas nang relasyon sa publiko nina Kathryn Bernardo at Mark Alcala, na namataang magkaholding hands sa isang pampublikong lugar sa Thailand.
Nag-share ang mga fan pages ni Kathryn ng mga larawan na nagpapakita sa kanila na magkaholding hands habang pababa ng escalator.
Masayang nagkukwentuhan ang dalawa kasama ang iba pang mga indibidwal kabilang ang glam team ni Bernardo.
Nagbigay din si Bernardo ng glimpse ng kanilang trip sa Thailand sa pamamagitan ng video na ipinost niya sa Instagram noong Biyernes, Abril 3.
“Tom yum is life,” ang kanyang caption, na tumutukoy sa Thai dish na kinain niya sa bansang Thailand.
Habang ang mga tagasuporta ng aktres ay nagpakita ng kasiyahan sa kanilang nakitang pagsasama, may ilang nagtaas ng kilay at nagbanggit ng mga isyu tungkol sa responsibilidad ni Alcala bilang isang public official sa gitna ng socio-economic crisis sa bansa.
Ang mga rumors ng kanilang relasyon ay nagsimula noong 2025, nang makita silang magkasama sa ilang mga okasyon.
Samantalang, kamakailan lang, nakita rin ang dalawa na naglalakad sa mga mall sa magkaibang oras.
Nag-follow din ang aktres kay Alcala sa Instagram, na nagpatibay pa sa mga usap-usapan tungkol sa kanilang relasyon.
Ngunit hanggang ngayon, wala pa ring opisyal na kumpirmasyon mula sa kanilang bahagi tungkol sa kanilang relasyon.













