Naitala sa time-lapse footage ang panibagong pagbuga ng abo mula sa bunganga ng Bulkang Kanlaon kaninang alas-7:05 ng umaga, Abril 13, 2026.
Nagbuga ito ng kulay-abong usok na umabot sa tinatayang 400 metro ang taas mula sa crater bago ito tinangay ng hangin patungong timog-kanluran.
Ang insidente ay naitala sa pamamagitan ng IP camera ng Kanlaon Volcano Observatory na matatagpuan sa Canlaon City.
Sa kabila ng pagbuga ng abo, nananatili sa Alert Level 2 ang bulkan, na nangangahulugang may patuloy na aktibidad at kinakailangang mag-ingat ang publiko.
Pinapayuhan ang mga residente sa paligid ng bulkan na manatiling alerto at iwasan ang pagpasok sa permanent danger zone.
Ayon sa mga eksperto, ang ganitong aktibidad ay indikasyon ng patuloy na paggalaw sa ilalim ng bulkan, kaya’t patuloy nila itong mino-monitor upang agad makapagbigay ng babala kung kinakailangan.













